Connect with us

amazing

Vic Sotto, Ginulat Ang Publiko Matapos Sabihin Ang Bagay Na Ito Tungkol Sa Bagong Baby Nila Ni Pauleen Luna

Published

on

Veteran actor and TV host Vic Sotto greets his wife, Pauleen Luna her 32nd birthday and share his wish for the actress.

On the recent episode of Eat Bulaga, he told Pauleen,

“Isa lang ang wish ko para sa’yo, more [Baby] Talis to come!

“Parang matupad na ang wish ay umpisahan na natin.”

To which Pauleen laughingly replied with, “Magtrabaho ka na muna!”

On her Instagram account, Pauleen thanks everyone who greeted her a happy birthday.

photo of google

“Officially out of the calendar 🤪

God has blessed me with so much more than i deserve. I am truly grateful for all things, big and small but i am most grateful for my family. I am also thankful to all of my supporters and followers who love me and fight for my family unconditionally.

I wish for love, peace and happiness for everyone on my birthday! Safety and protection for all! Thank you Lord for this life!” she wrote.

photo of google

Aside from her special day, the couple are also celebrating their 9th anniversary.

On a sweet IG post that the actress uploaded, she said that up until now, she still can no believe that they are finally married.

“9 years! 🤯 i still can’t wrap my head around the fact that we’ve been together for almost a decade! The most eventful decade of my life and definitely the happiest as well. Your first phone call to me seems like it was just yesterday! 😆
Thank you my love for giving my life purpose and meaning. Your love may be quiet but it is deep and it is sure. And for that, i am forever grateful to the Lord for making you my husband. I love you so much @mzet280 🤍 Happy 9th Anniversary! 💋”

photo of google

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Lalaki, Gumastos ng Mahigit P4.1 Milyon Upang Maging Ganap na ‘Dragon Lady’

Published

on

By

Sa panahon ngayon, usong-uso na ang body modification. Kung hindi ka kuntento o masaya sa iyong panlabas na kaanyuan, maaari mo na itong baguhin! Sa tulong ng cosmetic surgery o reassignment procedures, maaari mong baguhin ang iyong itsura. Ngunit dapat bang maglagay ng hangganan dito?

Iyan ang tanong na bumabagabag sa mga tao matapos nilang matunghayan ang kwento ng lalaking ito. Si Tiamat Legion Medusa ay dating lalaki na sumailalim sa maraming cosmetic procedures hindi para maging babae, kundi para maging dragon! Kaya naman nag-viral ang kanyang kwento sa social media.

Read More: Xander Ford, Umani ng Batikos Matapos Tawagin ang Sarili na ‘BTS Jimin’ ng Pinas!

Ayon sa report ng Metro UK, nais ni Tiamat na maging ganap na ‘Dragon Lady.’ Upang ma-achieve ito, gumastos siya ng mahigit sa £61,000 sa iba’t-ibang procedures. Kasama na dito ang pagpapatanggal ng kanyang tenga, pagpapa-tattoo sa buong katawan, at iba pa.

Sa kabila ng kanyang kakaibang anyo, layunin raw ni Tiamat na maging positibong representative ng mga tao na sumasailalim sa body modifications. Nanawagan rin ito sa publiko na wag basta basta manghusga ng tao base lamang sa kanyang panlabas na kaanyuan.

“People think that modified people, especially those who go to great exremes to look like something in a sci-fi film, are losers and dumb as dirt. I want people to know that modified people are just as intelligent, kind, loving, and good as anyone else,” pahayag ni Tiamat, na ipinanganak bilang si Richard Hernandez at dating VP sa isang financial institution.

Taong 1997 nang magsimula siyang sumailalim sa mga procedures, at marami pa daw siyang nais na ipaayos sa kanyang katawan. Kabilang na dito ang tuluyang pagtanggal sa kanyang ari upang makamit niya ang goal niya bilang ‘Dragon Lady.’

Read Also: Pau Fajardo, Aminadong Labis na Nasaktan Nang Malaman ang Balitang Ikinasal na ang Ex na si Scottie Thompson

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

amazing

Lalaki, Tinaguriang “World’s Most Flexible Man” Dahil sa Natatanging Talento Nito

Published

on

Karamihan sa atin ay mayroong unique na katangian at tinatagong talento. Ngunit mayroon ring mga tao na may nakakamanghang abilidad na tanging sila lamang ang makakagawa! Gaya na lamang ng lalaking ito mula sa Ontario, Canada, na kinilala sa buong mundo dahil sa kanyang natatanging talento. Silipin natin ang buhay ni Troy James.

Dahil sa kanyang angking kakaibang galing, tinagurian si Troy bilang “World’s Most Flexible Man.” Maraming fans mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang namangha dahil sa contortions act ni Troy! Sa katunayan, sumali na rin siya sa “America’s Got Talent,” kung saan napanganga ang mga judges sa kanyang performance.

Read More: Silipin ang Sosyal na Celebrity Van ni Ivana na Inabot ng Mahigit Kalahating Milyon!

Ngunit noong bata pa lamang siya, aminado si Troy na naranasan niya ring mabully dahil sa kanyang kakayanan. Kaya naman itinago niya muna ito upang maiwasan ang panunukso ng ibang bata.

Ngunit unti-unti niya rin daw natutunang maging proud sa kanyang abilidad.

“I got super embarrassed, and hid my ability until high school where it suddenly became the coolest thing, and everyone loved it. I have always been this flexible. No training, or practice required. In fact, when I was young I took it for granted, thinking everyone could bend their body like I could – that it wasn’t abnormal,” pahayag ni Troy sa isang interview.

Kahit hindi man pinalad si Troy na maitampok bilang champion ng “America’s Got Talent,” unti-unti namang sumikat si Troy matapos siyang makasali sa talent search. Matapos ang kanyang AGT stint, nakatanggap ng iba’t-ibang offers si Troy mula sa mga TV shows at pelikula.

Ipinamalas ni Troy ang kanyang natatanging talento sa “The Flash,” “Channel Zero,” “Shadow Hunters,” at “Scary Stories to Tell in the Dark.” Kamakailan lang ay itinampok rin siya ng sikat na vlogger na si “Nightfall” sa Youtube channel nito.

Read More: “Kaya ko ng ipaglaban sarili ko!”- Jelai, May Matapang na Mensahe sa mga Taong Nanakit sa Kanya

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

amazing

Tatay na Halos Magkandakuba sa Pagsasaka, Napagtapos ang Walong Professionals

Published

on

By

Wala na sigurong mas hihigit pa sa sakripisyo ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Lahat ay kaya nilang gawin para lamang mabigyan ang kanilang pamilya ng magandang buhay at kinabukasan. Katulad na lamang ng tatay na ito, na halos magkandakuba na sa pagsasaka para lamang mairaos ang pamilya niya.

Sa kabila ng hirap ng pagsasaka, hindi tumigil ang butihing ama na ito para mairaos ang pamilya niya. At dahil sa pagsasaka, naigapang niya ang pag-aaral ng hindi lang isa, kundi walong mga anak niya! Kaya naman malaki ang pasasalamat sa kanyang ng kanyang mga anak.


Isa sa kanila ay si Jovy Cataraja-Albite, na isa sa mga anak na babae ni Tatay. Sa Facebook, ipinahayag ni Jovy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga magulang. Ayon kay Jovy, kung hindi dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang ay hindi nila makakamit ang tagumpay ng mga kapatid niya.

Si Jovy ang panganay sa walong magkakapatid. Hindi naging madali ang buhay nila dahil na rin sa kahirapan. Gayunpaman, tinuruan si Jovy ng kanyang nanay at tatay na magpursigi upang mabago ang kalagayan nila. Parehas na nagsasaka sa bukid ang mga magulang nila.

At dahil sa pagsasaka, unti-unting napagtapos nila Tatay ang kanilang mga anak. Kahit na magkandakuba siya sa kaka-trabaho, hindi niya ito iniinda dahil ang mahalaga ay ang kinabukasan ng pamilya niya. At sa huli ay nasuklian naman ang mga sakripisyo ni tatay!

Ngayon ay mayroon na siyang mga anak na nagtapos ng iba’t-ibang kurso. Mayroong nurse, pulis, architect, marine, accounting staff, civil engineer, teacher, at nautical! Talagang nakakamangha isipin kung paano nairaos ni Tatay na pagtapusin ng iba’t-ibang kurso ang mga anak niya.

Ngayong matanda na si tatay, sila naman ang tinutulungan ng mga anak nila. Panahon na rin ito para makapagpahinga sila at lasapin ang maginhawang buhay. Ayon kay Jovy, napakalaki ng utang na loob nila sa kanilang mga magulang, kaya naman laking pasasalamat nila sa mga ito.


Naantig rin ba kayo sa kwentong ito ng isang tatay na kumakayod para sa kanyang pamilya? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.

Continue Reading

Trending